^

Bansa

16 BIFF sumurender sa Maguindanao del Sur

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labing-anim na mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumurender sa tropa ng militar bitbit ang kanilang mga armas sa lalawigan ng Maguindanao del Sur kamakalawa.

Sa report ni Major Gen. Antonio Nafarrete, Commander ng Joint Task Force Central, ang mga sumukong BIFF sa Army’s 33 rd Infantry Battalion (IB) na pinamumunuan ni Lt. Col. Udgie Villan ay mula sa Karialan Faction.

Ayon sa opisyal , bitbit ang kanilang mga armas ay sumurender ang naturang grupo ng BIFF sa himpilan ng Army’s 33rd IB sa Brgy. Zapakan, Radjah Buayan, Maguindanao del Sur.

Ang mga nagsisukong BIFF ay pinamumunuan ni alyas Oding, pinuno ng Morsedin Division ng BIFF sa ilalim ng grupo ni Umbra Kato. Si Alyas Oding ay tumatayo ring adviser ng BIFF.

Ayon sa militar, nahati sa dalawang paksiyon ang BIFF matapos na mamatay si Umbra Kato kung saan sumapi si ­Oding sa Karialan faction hanggang sa mainomina bilang Brigade Commander ng 2nd Division sa ilalim ng pamumuno ni Zulkarnain Sapal alyas Zuk.

Isinurender din ng mga BIFF members ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng dala­wang 60 MM mortar, dalawang 40 MM Roc­ket Propelled Grenades, dalawang 40 MM M203 grenade launchers, isang cal 30 carbine rifle at dalawang improvised explosive devices na may limang rounds ng 40 MM Rocket Propelled Grenade high explosives.

Iprinisinta ang mga sumurender kina Col. Ricky Bunayog, Deputy Brigade Commander of the 601st Infantry Brigade; Ms. Sittie Janine Gamao, Peace Program Offi­cer V, ng BARMM; Jofre Guerero, Gen Service Officer ng munisipalidad ng Shariff Saydona Mustapha at iba pang mga lokal na opisyal sa lalawigan.

BIFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with