^

Bansa

Mabilog ‘di na puwedeng kumandidato o humawak ng puwesto sa gobyerno

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dineklara ni dating Iloilo City Councilor Plaridel Nava na hindi maaaring tumakbo si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa anumang posisyon matapos siyang patalsikin sa puwesto ng Office of the Ombudsman na may kasamang "perpetual disqualification for public office.

" Sa isang Facebook post, sinabi ni Nava na nagtungo siya sa Office of the Ombudsman sa Cebu City para kumuha ng certified copy ng kautusan na naglalaman ng perpetual disqualification laban dahil sa pakikialam niya sa awarding ng kontrata para sa towing service kung saan mayroon siyang interes. Ibinahagi ni Nava na ibinasura pareho ng Court of Appeals at ng Supreme Court First Division ang apela ni Mabilog, dahil mali ang ginamit niyang remedyo para sa petition for certiorari ang Rule 65, sa ilalim na ang tamang remedyo sa ilalim ng Rule 43. Dagdag pa rito, nawala na rin ang Karapatan ni Mabilog na umapela dahil naghain siya ng motion for reconsideration nang lampas na sa tinatakdang panaho na 10 araw sa ilalim ng Section 8, Rule III ng Rules of Procedure ng Office of the Ombudsman. Ipinunto rin ni Nava na wala na ring karapatan si Mabilog na iapela ang desisyon dahil walang apela na ginawa sa ilalim ng Rule 43 sa loob ng 15 araw matapos mula sa abiso. S

a nangyaring ito, bawal nang tumakbo o humawak ng anumang puwesto sa pamahalaan si Mabilog, maliban na lang kung makakuha siya ng presidential absolute pardon, giit pa ni Nava. Gagamitin ni Nava ang mga dokumento bilang paghahanda sa disqualification case na kanyang isasampa laban kay Mabilog sakaling magsumite siya ng certificate of candidacy (COC) para sa anumang posisyon sa susunod na linggo.

Sa kanyang pagharap sa House Quad Committee, ginamit na palusot ni Mabilog na napilitan daw siyang abandonahin ang mga Ilonggo noong 2017 at nanatili sa ibang bansa ng pitong taon matapos isangkot ni Duterte sa droga. Kahit na itinanggi ni Mabilog ang kinalaman sa ilegal na droga, hindi pa riyan natatapos ang kanyang problema dahil plano ng Department of Justice (DOJ) na silipin ang kanyang kaugnayan dito. Una nang pinatawan ng Office ng Ombudsman ng perpetual disqualification si Mabilog dahil sa "serious dishonesty" kaugnay ng hindi niya maipaliwanag na yaman. Ang nasabing desisyon ay binaligtad ng Court of Appeals, ngunit ito’y inapela ng Ombudsman sa Supreme Court.

PLARIDEL NAVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with