^

Bansa

VP Sara: Paggamit ng mga walang kredibilidad na testigo, itigil na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara: Paggamit ng mga walang kredibilidad na testigo, itigil na
Vice President Sara Duterte holds a press conference at the Office of the Vice President in Mandaluyong City on Wednesday, Sept. 25, 2024.
The STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinimok kahapon ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na itigil na ang paggamit ng mga walang kredibilidad at kuwestiyonableng testigo upang sirain siya.

Tinukoy pa ni Duterte si Gloria Mercado na ­dating DepEd underse­cretary na ngayon aniya ay bahagi na ng political machinery laban sa kanya.

Ayon sa bise presidente, nais ng Kongreso na paniwalaan ng mga Pilipino si Mercado at kalimutan na umamin itong masama ang kanyang loob nang mawala sa pwesto.

Inisa-isa rin niya ang mga kadahilanan kung bakit tinanggal si Mercado sa DepEd.

Kabilang aniya dito ang paghingi ni Mercado ng P16 milyon mula sa isang pribadong kompanya na malinaw aniyang labag sa batas.

Ani Sara, hindi ito maaaring itanggi ni Mercado dahil ito ay dokumentado at pirmado niya mismo.

Iginiit din aniya ni Mercado na mabigyan ng teaching item ang isang indibidwal sa Region VII at ginawa niya itong Executive Assistant sa DepEd Central Office. Makikita aniya ang service record ng taong ito sa BHROD ng Deped.

Sinabi pa ni Duterte na kabilang din sa mga ebidensiya laban kay Mercado ay ang ‘Minutes of Teacher Education Council (TEC) meetings’ kung saan malinaw na makikitang sinadya ni Mercado na maantala ang appointment ng executive director ng TEC.

Matatandaang ka­makalawa, ibinunyag ni Mercado sa ikalawang pagdinig ng House good governance committee na siya at ang iba pang empleyado ng DepEd ay buwanang tumatanggap ng envelope na naglalaman ng P50,000 cash sa loob ng siyam na buwan, sa ilalim ng pamumuno ni Duterte noong siya pa ang kalihim ng DepEd.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with