^

Bansa

Tolentino: Alice Guo may ­‘ikakanta’ pa sa illegal POGOs

Pilipino Star Ngayon
Tolentino: Alice Guo may ­�ikakanta� pa sa illegal POGOs
Alice Guo speaks to her counsel during the Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality hearing on September 9, 2024.
Senate Public Relations and Information Bureau

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na ‘maraming isisiwalat’ si dismissed Mayor Alice Guo sa kanyang nalalaman tungkol sa operasyon ng mga iligal na POGO sa susunod na executive session na itatakda ng Senado.

Sa isang panayam sa ANC channel, tinanong si Tolentino kung naniniwala siyang ‘moved forward’ na ang imbestigasyon ng Senado matapos magsagawa ng executive session ang mga senador kay Guo kahapon.

Sumagot ng “oo” ang senador pero hindi na siya nagdetalye.

Sinabi pa ni Tolentino na ang pagpayag ni Guo na magsabi ng isang bagay sa executive session, na hindi nahayag sa mga regular na pagdinig, ay tanda ng paggalang niya sa Senado.

Bukod dito, mapipilitan din aniyang magbunyag ng mga nalalaman si Guo dahil na rin sa hirap ng kanyang sitwasyon sa kulungan.

“I think she will divulge a lot, especially with her conditions right now. Nabalitaan ko na natulog siya sa plywood kagabi dahil sa ilang mga surot sa loob [kaniya] detention cell sa Pasig.”

“Kaya, sa palagay ko sa kanyang pisikal na ­kondisyon, pati na rin sa kanyang kalagayan sa kalusugan, maaaring mapilitan siyang magsabi ng mga bagay na hindi pa nabubunyag noon,” dagdag niya.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with