^

Bansa

Ex-councilor: Mabilog ‘di na puwedeng tumakbong mayor ng Iloilo City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumbinsido si dating Iloilo City Councilor Plaridel Nava na hindi maaaring tumakbo si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa anumang posisyon matapos siyang patalsikin sa puwesto ng Office of the Ombudsman na may kasamang "perpetual disqualification for public office."

Sa isang Facebook post, sinabi ni Nava na nagtungo siya sa Office of the Ombudsman para kumuha ng certified copy ng dismissal order laban kay Mabilog dahil sa "serious dishonesty" kaugnay ng hindi maipaliwanag niyang yaman. Humingi rin siya ng kaukulang certificate of finality.

Ayon kay Nava, susuportahan ng mga dokumentong ito ang kanyang posisyon na hindi maaaring tumakbo si Mabilog sa kahit anong posisyon maliban na lang kung mabibigyan siya ng presidential absolute pardon.

Gagamitin ni Nava ang mga dokumento bilang bahagi ng disqualification case na kanyang isasampa laban kay Mabilog sakaling magsumite siya ng certificate of candidacy (COC) para sa anumang posisyon sa susunod na linggo.

Una nang binanggit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maaaring kumandidatong muli si Mabilog matapos magbalik sa bansa ilang linggo bago ang pagsusumite ng COC para sa 2025 elections.

Sa kanyang pagharap sa House Quad Committee, sinabi ni Mabilog na napilitan siyang abandonahin ang mga Ilonggo noong 2017 at nanatili sa ibang bansa ng pitong taon matapos isangkot ni Duterte sa droga.

Kahit na itinanggi ni Mabilog ang kinalaman sa ilegal na droga, plano ng Department of Justice (DOJ) na silipin ang kanyang kaugnayan dito.

vuukle comment

ILOILO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with