^

Bansa

Sulu Governor Tan, masaya sa SC ruling

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Kahit ’di makakatakbong chief minister ng BARMM

MANILA, Philippines — Masaya at tanggap ni Sulu Gov. Abdusakur Tan ang desisyon kamakailan ng Korte Suprema na nag-aalis sa Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito’y kahit pa hindi na siya papayagang makatakbo bilang Chief Minister ng BARMM.

Sa desisyon ng Supreme Court, sinang-ayunan nito ang validity ng BARMM organic law. Bukod dito, inaalis na rin ang Sulu sa rehiyon at ibinalik na ito sa pamumuno ng national government.

Si Gov. Tan ay nag-anunsyo na kama­kailan na tatakbong Chief Minister ng BARMM, pero dahil sa desisyon ng SC, pinagbabawalan na itong makatakbo sa halalan dahil siya ay tubong Sulu na hindi na sakop ngayon ng BARMM.

“Kahit hindi na ako pwede tumakbo bilang Chief Minister sa BARMM ay masa­yang masaya pa rin kami dahil pinaboran ng Supreme Court ang petisyon namin na dapat hindi kami kasali sa BARMM,” ayon kay Gov. Tan sa pahayag.

Si Tan ang namuno noon sa petition sa SC para tutulan ang pagsama ng Sulu sa BARMM.

Umaasa rin si Tan na gaganda na rin ang kalidad ng health services at edukasyon sa Sulu na matagal napabayaan simula nang mapasama sila sa BARMM tulad ng kakulangan ng mga guro at classroom.

“Kaya pasalamat kami at sa national na kami muli after 32 years sa kahirapan sa loob ng ARMM at BARMM,” paliwanag ni Gov. Tan.

vuukle comment

BARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with