^

Bansa

DFA tinanggihan higit 170 passport applications

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
DFA tinanggihan higit 170 passport applications
File photo of Philippine passport.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mahigit sa 170 aplikasyon ng pasaporte ng mga “kwestyonable” na mga dayuhan, na karamihan sa kanila ay nagsumite ng mga birth certificates na late ang registration.

Inihayag ni DFA Assistant Secretary Adelio Cruz sa Senate subcommittee on finance na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda na simula noong Nobyembre ng nakaraang taon, ay napigilan nila ang passport application ng nasa 171 indibiduwal.

Ayon pa kay Cruz, 71 sa 171 sa mga mapanlinlang na aplikasyon ng pasaporte na ito ay nai-refer sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Cruz na karamihan sa kanila ay first time applicants at lahat ay may delayed registration of births.

Bagama’t ang ilan sa mga dayuhan ay nagbigay ng wastong mga sertipiko ng kapanganakan, ang ilan ay malinaw na fraudulent o mapanlinlang.

Sinabi pa ni Cruz na upang matiyak na hindi na mauulit ang mga kaduda-dudang aplikasyon, kinukuha nila ang biometrics ng taong iyon ipina-flag ito sa buong bansa.

Gayunpaman, iminungkahi ni Legarda na ihinto ng DFA ang Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) nito upang matigil ang mga mapanlinlang na aplikasyon.

Binanggit ng senador na tila ginagamit ng mga sindikato na tumutulong sa mga dayuhang makakuha ng fictitious birth certificates ang DFA-TOPS para mag-apply ng Philippine passports.

Nauna nang nagtaas ng alarma si Legarda at iba pang mga senador na maaaring magkaroon ng implikasyon sa pambansang seguridad kung ang sindikato na nasa likod ng mga mapanlinlang na birth certificates ng mga dayuhan ay makakuha ng pasaporte ng Pilipinas.

Binanggit ng mga senador ang kaso ng dinismiss na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, na na­bigyan ng tunay na pasaporte ng Pilipinas, at nagawang tumakbo bilang mayor sa kabila ng pagiging Chinese national.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with