Bagsak presyo ng bigas, mararamdaman sa Enero
MANILA, Philippines — Tinaya ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na sa Enero ng susunod na taon pa mararamdman ng taumbayan ang bagsak presyo ng bigas sa bansa.
Ito ayon kay Laurel ay kahit na nagdesisyon ang pamahalaan na bawasan ang taripa sa importasyon ng bigas simula sa susunod na buwan ng Oktubre.
Anya, hindi pa nakakabangon ang mga rice traders sa naging epekto sa kanila ng nagdaang El Nino Phenomenon kayat bagamat nagdesisyon ang pamahalaan na ipatupad ang pagbabawas sa tariff imports sa bansa ay sa Enero pa ng susunod na taon mararamdaman ang bagsak presyo ng bigas dahil sa nagdaang kalamidad.
Una nang nalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Executive Order 62 na nagsasaad ng pagbaba ng taripa sa rice imports ng 15% mula sa dating 35%. Sa pamamagitan nito ay inaasahan ang pagbaba ng halaga ng bigas.
Tinaya ng mga economic managers na aabutin ng P5 hanggang P7 ang bawas presyo sa bigas kada kilo dahil sa pagbaba ng tariff imports.
Sa ngayon ang presyo sa mga palengke at pamilihan ng well miled rice ay nasa P37 hanggang P42 kilo, Sinandomeng - P36 hanggang P42, Denorado - P48 hanggang P55, Angelica- P43 hanggang P46, Jasmine P46-P52 at Malagkit P60 kada kilo.
- Latest