10,490 examinees, matagumpay na nakatapos ng 2024 Bar exams
MANILA, Philippines — Umaabot sa 10,490 aspiring lawyers ang matagumpay na nakakumpleto ng tatlong araw na 2024 Bar examinations na idinaos nitong Setyembre.
Ayon sa Korte Suprema, ito ay mula sa mahigit na 12,000 aplikasyon na kanilang natanggap.
Nabatid na sa unang araw ng pagsusulit ay 10,483 examinees ang naitala ngunit malaunan ay nakumpirmang nasa 10,502 lamang ang mga ito.
Bumaba pa ang bilang sa 10,493 sa ikalawang araw ng pagsusulit at nabawasan pa ng tatlo sa ikatlong araw.
Una nang sinabi ng SC na ang pinakamatandang examinee ngayong taon ay 78-anyos habang 23-anyos ang pinakabata.
Isinagawa ang 2024 Bar exams noong Setyembre 11, 13 at 15 sa 13 local testing centers nationwide.
Inaasahang mailalabas ang resulta ng pagsusulit sa unang bahagi ng Disyembre. Ang oath-taking ceremony at signing sa Roll of Attorneys ay nakatakda sa Enero 24, 2025.
- Latest