^

Bansa

Mga ‘kumupkop’ kay Quiboloy kakasuhan na ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mga ‘kumupkop’ kay Quiboloy kakasuhan na ng PNP
Apollo Quiboloy (C, in orange), pastor and founder of the Philippine-based Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church, is presented to the media while Philippine National Police chief Rommel Marbil (front) looks on during a press conference at the national police headquarters in Manila on September 9, 2024.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na papanagutin nila ang nagkanlong kay Kingdom of Jescus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy sa kasagsagan ng kanilang paghahanap kung saan inihahanda na ang  kasong isasampa sa mga nasabing indibiduwal.

Partikular na inatasan ng PNP Chief si Criminal Investigation and Detection Group Director Major General Leo Francisco na manguna sa isasagawang imbestigasyon at case build-up.

Nabatid na inutos ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil ang full investigation sa kaso  upang matukoy at mapanagot ang mga ‘kumupkop’ kay Quiboloy matapos itong  isyuhan ng warrant of arrest ng korte dahil sa kaasong child sexual abuse at qualified human trafficking.

Ayon kay Marbil, buo ang kanilang paniniwala na may mga close associates si Quiboloy na tumulong bukod pa sa ginawang panlilinlang umano ng mga legal representatives nito.

“We will not tolerate any form of obstruction to justice. Our investigation aims to identify those who knowingly provided refuge to Quiboloy, and we will ensure they face appropriate legal consequences,” ani Marbil.

Hindi aniya titigil ang PNP hanggang hindi nakukuha ng mga biktima ang hustisya.

KOJC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with