Bong Go, umayuda sa mga biktima ng sunog sa Bacoor City
MANILA, Philippines — Dahil sa mapanirang sunog na nagdulot ng malaking pinsala sa maraming residente sa Bacoor City, Cavite, si Senator Christopher “Bong” Go na adopted son ng CALABARZON, ay agad namahagi ng tulong sa mga nasunugan.
Personal na pinangunahan ni Go ang relief effort sa halos isang libong apektadong pamilya sa lungsod.
Nakipagtulungan kay Mayor Strike Revilla at iba pang lokal na opisyal, binisita at sinuri ni Go ang sitwasyon ng 932 pamilya.
Namigay ng mga food packs, lalagyan ng tubig, pagkain, bitamina, maska, at kamiseta, tiniyak ni Go sa mga biktima na hindi sila nag-iisa sa kanilang sitwasyon. Nakatanggap din ang ilan ng basketball, volleyball, sapatos, mobile phone, bisikleta, at relo.
Patuloy na binibigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagpapabuti at katatagan ng bansa sa kalamidad. Binanggit niya na ang Bureau of Fire Protection ay kasalukuyang sumasailalim sa isang modernization program na layong pahusayin ang kakayahan at kahandaan nito sa pagtugon sa mga insidente ng sunog.
Ang Republic Act No. 11589, mas kilala bilang BFP Modernization Act of 2021, ay pangunahing iniakda at co-sponsored ni Go sa Senado.
Inulit din niya ang kanyang adbokasiya para sa pagpapasa ng Senate Bill No. 188 na layong itatag ang Department of Disaster Resilience (DDR) na magpapabilis sa paghahanda, pagtugon, at pagrekober sa sakuna upang matiyak ang mas magkakaugnay na diskarte sa mga krisis.
- Latest