^

Bansa

Bong Go, ikinagalak pangako ng PhilHealth: ‘Single period of ­confinement policy’ ibabasura na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibabasura na ang kontrobersyal na “single period of confinement policy sa katapusan ng Setyembre 2024, gaya ng ipinangako ng PhilHealth sa katatapos na Senate committee on health public hearing noong Setyembre 10.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagsisikap ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng komite, na maalis ang patakarang ito na pumipigil sa mga ­pasyente na makakuha ng PhilHealth coverage sa loob ng maikling panahon kaya humahantong sa mas mabigat na pasanin para sa mga pamilyang Pilipino.

Nagbunga rin sa wakas ang walang humpay na apela ni Go sa PhilHealth na nangakong ipatutupad ang pagbabago. Binigyang-diin ni Go ang negatibong epekto sa publiko ng nasabing polisiya, lalo sa mga pasyenteng dumaranas ng paulit-ulit na sakit.

Kinumpirma ni PhilHealth COO Atty. Eli Santos na susundin ng ahensya ang apela ni Go.

“We will include the removal of this provision on a single period of confinement when we implement, or we come up with a policy or the increase of the case rates, probably from 30 to 50 percent increase,” sabi ni Santos said.

Hinimok ni Go ang PhilHealth na agaring tanggalin ang polisiya na hiwalay sa iba pang nakaplanong adjustments.

“Yes, Mr. Chairperson, susunod kami agad. Aalisin namin,” ang tugon ni Santos.

Binigyang-diin ni Go na ang pagtanggal sa nasabing policy ay isang kritikal na hakbang sa pagpapabuti ng access sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with