^

Bansa

P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Vice President Sara Duterte on August 20, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tinapyasan ng P1.3 bilyon ng House Committee on Appropriations ang P2.037 bilyong panukalang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.

Ayon kay Marikina City Rep. Stella Quimbo, Senior Vice Chairperson ng House Committee on Appropriations, bumoto ang mayorya ng mga miyembro ng komite na bawasan ang pondo ng OVP kaya P733 ­milyon na lamang ang matatanggap ng tanggapan ni Sara taliwas sa pahayag nitong kundi piso ay zero budget.

“Ang Committee on Appropriations has 139 members and with respect to the budget cut of the OVP, ito po ay naging unanimous decision among the members. At lilinawin ko rin po na hindi pa ito final approval ng Congress, ito po ay recommendation pa lang po ng Committee on Appropriations for the plenary,” ani Quimbo.

Tinanggal ang pondo sa mga social programs na ililipat na lamang sa mga karapat-dapat na ahensiya at maging ang sobra-sobrang satellite offices ng OVP na nasa 10 ang bilang at 2 extension offices na nasa P53 milyon ang pondo o P2.9 milyon bawat isa nitong nakalipas na taon ang gastusin. Binawasan ang pondo na mula sa P80-M ay ginawa na lang P32 milyon.

Mananatili naman ang personal services o suweldo ng mga empleyado ng OVP.

Itinakda sa Setyembre 23 ang debate sa plenaryo para sa panukalang pondo ng OVP.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with