^

Bansa

VP Sara tuloy trabaho kahit walang budget sa 2025

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara tuloy trabaho kahit walang budget sa 2025
Vice President Sara Duterte on August 20, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na handa ang Office of the Vice President (OVP) na ipagpatuloy ang kanilang trabaho at operasyon kahit pa walang budget para sa susunod na taon.

Ginawa ni VP Sara ang pahayag kasunod ng mga ulat na plano umano ng House of Representatives na i-defund ang OVP o di kaya ay bawasan ang kanilang panukalang budget sa susunod na taon.

Sa isang recorded video interview na ipinamahagi ng OVP sa media kahapon, sinabi ni Sara na narinig na nila ang naturang isyu ng defunding, gayundin ang umano’y plano ng Kongreso na bigyan lamang ng P1 budget ang OVP.

Pagtiyak naman niya, handa silang magtrabaho kahit walang budget at sa kabila ng mga pag-atake sa kaniya at sa kaniyang tanggapan.

“Handa kami. Handa ako sa Office of the Vice President na magtrabaho kahit walang budget. Maliit lang ‘yung opisina namin. Maliit lang ‘yung operations namin kaya kayang-kaya namin na magtrabaho kahit walang budget,” pahayag ni Sara.

Nauna rito, hindi dumalo si VP Sara at kanyang mga staff sa budget hearing sa Kongreso at ipinaubaya na lamang ang pagbibigay ng budget sa OVP sa House Appropriations Committee.

Nagpasya naman ang House appropriations panel na ipagpaliban sa ikalawang pagkakataon ang committee-level deliberations sa panukalang P2 bilyong budget ng OVP para sa Fiscal Year 2025.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with