^

Bansa

Romualdez meeting sa impeachment vs VP Sara ‘maritess’ lang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Romualdez meeting sa impeachment vs VP Sara âmaritessâ lang
Undated file photo shows Davao City Mayor Sara Duterte and House Majority Leader Martin Romualdez.
Martin Romualdez / Facebook

MANILA, Philippines — “Maritess” lang umano o tsismis ang paratang ni Vice President Sara Duterte na nakipagpulong si Speaker Martin Romualdez sa Makabayan bloc upang ilarga sa plenaryo ng Kamara ang impeachment laban sa kaniya.

“Unang-una walang katotohanan na kami sa Makabayan bloc ay nakipagpulong kay House Speaker Romualdez para sa impeachment ni VP Duterte. Pangalawa, walang pahayag ang Makabayan bloc noong Setyembre 2023 na nagtutulak kami ng impeachment; sa katunayan may pahayag pa nga kami noong Agosto at Nobyembre 2023, na nagsasabi na premature ang usapin sa impeachment,” pahayag ni ACT Teachers Rep. France Castro.

Sinabi ni Castro na sa halip na makinig sa mga maritess na source ay dapat magpokus si VP Sara sa kritikal na isyu tulad ng P125 milyong confidential fund na ginasta ng Office of the Vice President (OVP) noong 2022 na dapat nitong ipaliwanag sa taumbayan.

“VP Duterte should get her facts straight at hindi puro Marites ang source,” tugon ni Castro sa akusasyon ni VP Sara matapos itong magpainterbyu sa telebisyon nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Castro, ang Commission on Audit (COA) na mismo ang nagreport na may karagdagang P125 milyong allotment ang OVP sa confidential expenses sa ikalawang semestre ng 2022 sa kabila na wala namang nakalaang alokasyon dito sa ilalim ng ipinasang General Appropriations Act (GAA ) ng nasabing taon.

Iginiit ni Castro na ang paglilipat ng nasabing confidential expenses ay illegal dahil hindi naman aniya ito nakapaloob sa 2022 national budget.

“We ask that the OVP provide a detailed public accounting of how the Php 125 million was spent. We hoped that Vice President Sara Duterte will use the OVP budget hearing to personally clarify her position on this sensitive issue, but she just used squid tactics to avoid answering and even boycotted the hearing yesterday,” ani Castro.

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with