^

Bansa

1.5K birth registration naharang ng PSA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
1.5K birth registration naharang ng PSA
Ayon kay PSA National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa sa pagdinig ng Senado sa panu­kalang budget ng ahensiya para sa susunod na taon, ilan sa mga blocked birth registration ay inirekomenda na kanselahin ng Office of the Solicitor General (OSG) kabilang ang birth certificate ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Naharang ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang nasa 1,500 birth registration ng mga Chinese national na may mga pekeng dokumento mula sa local civil registrar (LCR) ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

Ayon kay PSA National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa sa pagdinig ng Senado sa panu­kalang budget ng ahensiya para sa susunod na taon, ilan sa mga blocked birth registration ay inirekomenda na kanselahin ng Office of the Solicitor General (OSG) kabilang ang birth certificate ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Sinabi rin ni Mapa na sa 1,634 local civil registrars sa bansa, natukoy ng Fraud Management Division ng PSA ang 49 mga ulat ng pandaraya.

Sinabi rin ni Mapa na hindi naman “unusual” para sa PSA ang birth late registration dahil milyun-milyon ang nag-aaplay para sa late registration.

Base aniya sa 2020 census, 3.7 milyong Pilipino ang wala pang birth certificates dahil hindi pa sila rehistrado.

“Kasi kapag 30 days upon your birth ay hindi mo narehistro dun sa [local civil registrar], late na agad yun. At marami tayong mga Pilipino sa ngayon, based on 2020 Census, 3.7 million ang wala pang birth certificate,” ani Mapa.

Sinabi rin ni Mapa na ang mga Chinese national na nag-apply para sa late birth registration sa Sta. Cruz ay pawang 18 taong gulang pataas, at karamihan sa kanila ay hindi humarap sa LCR.

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with