^

Bansa

Las Piñas balwarte ng NP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananatili ang Las Piñas City na baluwarte ng Nacionalista Party (NP) na may 2 senador, isang congresswoman at nasa hanay nito ang karamihan sa mga halal na lokal na opisyales.

Ayon kay Senator Cynthia A. Villar na patuloy na “force to reckon with” ang NP, ang pinakamatagal na political party sa Pilipinas at Southeast Asia simula pa noong panahon ng kanyang ama - Dr. Filemon Aguilar.

Naniniwala siya na ang kamakailang pakikipag-alyansa ng NP sa Partido Federal ng Pilipinas ni President Ferdinand Marcos Jr. ay magpapalakas sa presensiya nito sa 2025 midterm elections.

Aniya, ang ama ang nagsilbing alkalde noong 1964 -1986 at Congressman ng Las Piñas-Muntinlupa noong 1987-1992.

Sa kasalukuyan, senador naman siya at anak na si Mark Villar samantalang si Deputy Speaker Camille Villar ang kinatawan ng nag-iisang district ng Las Piñas.

Ang mister na si Manny Villar, dating House Speaker at Senate President, na pinakamayaman sa bansa ang Pangulo ng NP.

Karamihan sa mga kasalukuyang local officials ng Las Piñas ay kabilang sa partido.

Sa unang pagtakbo noong 2019 ni Camille Villar ay nakakuha ng 173, 917 boto na mas mataas pa sa pinagsamang boto ng nanalong mayor at vice mayor. Noong 2022,  muling nanalo si Camille bilang Las Piñas Representative na may 130,812 votes, higit na mataas sa pinagsamang boto ng mayor at vice mayor.

Plano ni Cynthia Villar na tumakbo sa ibang posisyon sa pagtatapos ng termino sa 2025.

Dati siyang congresswoman ng Las Piñas sa 3 termino mula 2001-2010, naging chairperson ng Committee on Higher and Technical Education sa 13th at 14th Congress, naging Pangulo ng Lady Legislators sa 12th, 13th at 14th Congress, at nanguna sa legislation na nagbigay benepisyo sa mga kababaihan, bata at pamilya.

Noong 2019 ay number 1 sa nakuhang 25.2 million votes sa pagka-senador at naging chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reformat Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change.

LAS PIñAS CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with