^

Bansa

Kung lalabas na may ‘utak’ sa Bamban POGO Alice Guo pwedeng state witness

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kung lalabas na may ‘utak’ sa Bamban POGO Alice Guo pwedeng state witness
Dismissed Bamban mayor Alice Guo made her first public appearance after arriving in the country at the Royal Star Aviation hangar in Pasay City early September 6, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Maaaring maging state witness ang pinatalsik na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung lalabas sa isinasagawang imbestigasyon na may mas malaking taong nasa likod ng iligal aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub, ayon sa tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ) sa news forum sa Quezon City.

“If for example, may makita tayong mas malaking tao sa investigation, hindi na magiging most guilty si  former Mayor Alice Guo,” ani DOJ Asec Mico Clavano.

Sa kasalukuyan, si Guo ang lumalabas na most guilty kaya hindi maaring gawin siyang state witness.

Isa pang kailangan para tumayong state witness si Guo, ay depende kung makikipagtulungan siya sa mga awtoridad.

Una nang sinabi ni Clavano na hindi ipagwawalang-bahala at kailangang imbestigahan din ang sinabi ni Guo kay DILG Secretary Benhur Abalos na naka-post sa Facebook account nang puntahan sa Jakarta,  na “Sec, patulong. May death threat po kasi ako” na sinasabing dahilan ng pagpuslit palabas ng Pilipinas.

Sa nasabing forum nitong Sabado ay kinumpirma ni Abalos na nagbunyag na si Guo na may malalaking tao na sangkot at nanganganib ang kaniyang buhay, kaya pinayuhan niya na isiwalat na ang lahat ng nalalaman at bibigyan naman siya ng proteksyon ng gobyerno.

“Lahat ng alam niya ibuga niya, sabihin niya sa Senado. Sabihin niya sa mga otoridad,” ani Abalos.

Nahaharap si Guo sa reklamong money laundering at human trafficking na nag-ugat sa iligal na POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Naibalik si Guo sa bansa nitong Biyernes.

DOJ

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with