^

Bansa

Patay kay Enteng, 20 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Patay kay Enteng, 20 na
Kinordon ng local Disaster Risk Reduction and Management Office ang bahagi ng Daang Pari Road sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal kasunod ng landslide sa lugar dulot ng bagyong Enteng na pinalakas ng habagat, kahapon. Apat katao ang nasawi sa insidente kabilang ang 27-anyos na buntis.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 20 katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Enteng sa mga naapektuhan nitong lugar sa bansa.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 18 katao ang nasugatan habang 26 pa ang patuloy na pinaghahanap kabilang ang ilang mga mangingisda na pumalaot at inabutan ng sama ng panahon sa karagatan.

Ayon sa NDRRMC, ang bagyong Enteng ay nakaapekto sa 675, 428 pamilya o 2,394,169 indibidwal.

Nasa 7,046 kabahayan naman ang napinsala sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at  CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Samantalang nasa P657,981,684 sa sektor ng agrikultura ang napinsala habang P675,256,168 sa imprastraktura.

Naitala naman sa 171 mga kalsada at 32 tulay ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyo.

Ang bagyong Enteng ay nagdulot ng matitinding pagbaha sa Metro Manila at CALABARZON gayundin sa Central Luzon at Visayas Region.

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng lokal at pamahalaang nasyonal sa mga naapektuhang pamilya.

NDRRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with