^

Bansa

Papal visit sa Timor-Leste palilipasin bago extradition kay Teves

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na patatagalin pa ng gobyerno ng Timor-Leste ang pananatili sa kanilang bansa ng pinatalsik na si dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr, at inaasahang mai-extradite na ito sa Pilipinas, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Asec. Mico Clavano, tagapagsalita ng DOJ, na mismong ang Presidente ng Timor-Leste ang nagsabi na hindi na magtatagal ay mapapauwi na si Teves.

“Ang President ng Timor-Leste mismo na si Jose Ramos-Horta mentioned na it will not be too lang before he (Teves) will go home,” ani Clavano sa Saturday news forum.

“I don’t think that the President of Timor Leste wants him (Teves) to stay longer,” aniya pa.

Aniya, umaasa ang DOJ na masimulan na ang extradition pagkatapos ng papal visit sa Timor-Leste na idaraos sa Setyembre 9 hanggang 11.

“We hope to execute the operation right after the papal visit… That will depend on the authorities of Timor-Leste,” dagdag pa ni Clavano.

Si Teves ay lumabas ng bansa noong nakalipas na taon matapos siyang iturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2023.

DOJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with