Jobless Pinoy, tumaas sa 4.7% noong Hulyo – PSA
MANILA, Philippines — Tumaas ng 4.7 percent ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho at karamihan dito naghahanap pa ng trabaho nitong Hulyo.
Sa preliminary result ng Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Hulyo, ang naturang unemployment rate ay tumaas o nasa 2.38 milyong jobless Pinoy, mataas ito mula nang maitala ang 4.9% unemployment rate sa kaparehong period ng 2023.
Mataas din ito sa 3.1% jobless rate noong Hunyo.
Sa naturang unemployment rate nitong Hulyo, ang youth labor force participation rate (LFPR) ay tumaas sa 34.2% mula sa 33.7% noong Hunyo.
Bumaba naman sa 85.2% ang mga kabataang may trabaho, mas mababa ito sa 91.4% youth employment rate ng Hunyo.
Ang underemployment rate o mga taong naghahanap ng trabaho ay pumalo sa 12.1% noong Hulyo, mas mababa sa 15.9% ng kaparehong period ng 2023 o nasa 5.78 milyong Pinoy ang naghahanap ng trabaho o dagdag na oras ng trabaho.
Ang underemployment rate nitong July ang pinaka- mataas mula sa 14.6% noong Abril.
Ayon sa PSA, ang LFPR ng bansa ay may kabuuang labor working-age population mula 15 taong gulang pataas na nasa o 63.5% mas mababa ito sa 66% sa nagdaang buwan.
- Latest