^

Bansa

Ex-Albay Gov. Rosal tuluyang sinibak ng ­Ombudsman, misis na mayor suspendido!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang hindi makakabalik sa puwesto si dating Albay Governor Noel Rosal matapos siyang patalsikin sa serbisyo ng Office of the Ombudsman at tuluyang madiskuwalipika sa anumang posisyon sa gobyerno.

Hindi rin nakaligtas ang kanyang maybahay na si Legaspi City Mayor Geraldine Rosal na sinuspinde naman ng isang taon.

Nag-ugat ang desisyon sa reklamong isinampa noong 2022 na nag-aakusa sa kanila ng Grave Misconduct, Oppression, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service. Napatunayan ng Ombudsman na ang paglilipat ni Gov. Rosal ng ilang department heads ay paglabag umano sa mga patakaran ng Civil Service Commission, na nakaapekto sa operasyon at serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.

Ang kanyang maybahay naman na si Legaspi Mayor Rosal ay nasangkot din sa umano’y iligal na pagpapadala kay Legaspi City Engineer Clemente Ibo sa Pamahalaang Panlalawigan. Ang aksyong ito, na ginawa kasama ang kanyang asawa, ay nagbigay-daan para makapagserbisyo si Engr. Ibo sa dalawang lokal na yunit ng gobyerno, na nakaapekto sa serbisyo publiko.

Ang desisyon ng Ombudsman laban kay Mayor Rosal ay agad ipatutupad, kahit pa may nakabinbing kaso sa Korte Suprema na kumukwestyon sa kanyang diskwalipikasyon ng Commission on Elections noong 2022.

“The Ombudsman’s decision against Mayor Rosal is immediately e­xecutory, despite a pending Supreme Court case challenging her 2022 disqualification by the Commission on Elections,” saad sa OMB statement.

“This ruling underscores the Ombudsman’s commitment to upholding accountability and combating misconduct in public service,” dagdag nito.

Si Noel Rosal ay nagsilbing governor ng Albay noong 2022. Pinalitan siya ng noo’y Vice Governor Edcel Greco Lagman ng nasabi ring taon.

NOEL ROSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with