^

Bansa

Alice Guo, arestado sa Indonesia!

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Alice Guo, arestado sa Indonesia!
The Philippine National Police (PNP) released the latest photo of dismissed Bamban mayor Alice Guo after she was caught in Indonesia on September 4, 2024
Photos courtesy of NBI

MANILA, Philippines — Naaresto na sa Indonesia si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Batay sa natanggap na ulat ng Department of Justice (DOJ) mula kay Senior Supt. Audie Latuheru ng Indonesian Police, dakong alas-11:58 ng gabi ng Setyembre 3, 2024 nang maaresto si Guo sa Sandana Park Residences sa Tangerang City, Indonesia ng Indonesian Police.

Kasalukuyan na umanong nasa kustodiya ng Indonesian Police sa Jatanras Mabes Polri si Guo at inaasikaso na ang pagpapabalik sa kanya sa Pilipinas.

“According to Senior Superintendent Audie Latuheru of the Indonesian Police, Ms. Guo was apprehended at 11:58 PM on September 3, 2024,” pahayag pa ng DOJ.

Una nang kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagkakaaresto kay Guo ng Indonesian Police.

Sinisimulan na rin ng PNP ang koordinasyon sa Philippine Embassy sa Indonesia para maibalik sa bansa si Guo.

Bagama’t wala pang pinal na araw kung kailan makakauwi si Guo, inihayag ni NBI Director Jaime Santiago na mahigpit nilang ipatutupad ang security plan upang matiyak na ligtas ang pagdating ni Guo.

Sinabi ni Santiago na tinangka pa ni Guo na itago ang kanyang pagkakakilanlan para hindi mahuli ng mga otoridad. Anya, sinabi ng Indonesian authorities na nagpaputol pa ng buhok si Guo para hindi makilala ng mga naghahanap dito.

Sa pagbabalik ni Guo sa bansa, ilan sa mga kasong haharapin nito ay ang quo warranto petition, tax evasion at human trafficking.

Nag-ugat ang kaso sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.

Agosto 23 nang maaresto sina Lucky South 99 incorporator Cassandra Ong at kapatid ni Guo na si Shiela Guo, sa Indonesia na agad na pinadeport sa Pilipinas.

Sinabi naman ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakikipag-ugnayan na sila sa Indonesian immigration authorities upang mapabilis ang pagbabalik kay Guo sa Pilipinas. Inaasahang iti-turn over si Guo sa BI at NBI. — Angie Dela Cruz at Butch Quejada

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with