^

Bansa

Marcos: Mga tumulong para makatakas si Guo mananagot!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos: Mga tumulong para makatakas si Guo mananagot!
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on August 7, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ­sisibakin at sasampahan ng kaso ang mga taong tumulong para makalabas ng Pilipinas si Alice Guo.

Sa ambush interview sa headquarters ng National Disasters Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ng Pangulo na lahat ng tumulong kay Guo para ilegal na makalabas ng bansa ay mananagot sa batas.

“Hindi lang namin sila sisibakin, kakasuhan pa namin sila dahil ang kanilang ginawa ay labag sa batas at against all of the interests of the Philippine judicial system,” sabi ni Marcos.

Magsilbi rin anyang babala sa mga nagnanais na tumakas sa batas ang pagkakaaresto kay Alice Guo.

Sa tanong na kung sinu-sino ang mga ito, sagot ni Marcos “you’ll find out soon”.

Kasabay nito, binati at pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga otoridad na siyang nakaaresto kay Guo a.k.a Gua Hua Ping sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia.

Pinasalamatan din niya ang gobyerno ng Indonesia dahil sa tulong na ibinigay sa Pilipinas at sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa para maaresto si Guo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with