^

Bansa

Duterte idinawit sa pagpatay sa 3 Chinese drug lords

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte idinawit sa pagpatay sa 3 Chinese drug lords
Rodrigo Duterte
STAR/File

MANILA, Philippines — Idinawit ng isang dating warden ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF) nitong Miyerkules si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y siyang utak o nag-utos sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords noong 2016.

Inihayag ito ni Supt. Gerardo Padilla matapos nitong bawiin ang nauna nitong pahayag sa Quad Comm ng Kamara na nakipag-usap siya sa te­lepono kay dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao Chief P/Col. Royina Garma kaugnay ng utos ng nakatataas na paslangin ang tatlong Chinese na nakapiit sa nasabing piitan.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng mega panel, tinanong ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. si Padilla kung na-pressure ito kay Garma o higit na mataas, sinabi ng huli na mas may ‘bigger person’ pa umano na sinusunod ni Garma ang utos na isang makapangyarihan.

“Hindi ko naman ini-implicate pero hawak po sila ng mas mataas,” ani Padilla pero ng linawin ni Abante na kung si dating Pangulong Duterte ito ay tinugon ito ni Padilla ng “Yes, your honor”.

Sa pagbawi ng kaniyang testimonya ay idinawit na ni Padilla si Garma sa pagpatay sa mga biktimang sina Chu Kin Tung, Li Lan Yan at Wong Meng Pin.

Una nang itinuro ng mga self-confessed hitmen na sina Leopoldo “Tata” Tan Jr. at Fernando “Andy” Magdadaro; pawang inmates ng DPPF na pinaslang nila ang tatlong Chinese sa utos umano ni dating Pangulong Duterte.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with