^

Bansa

Death toll kay ‘Enteng’, 13 na!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Death toll kay �Enteng�, 13 na!
Authorities conduct a retrieval operation for the bodies of victims who died in a landslide at Sitio Banaba in Barangay San Luis, Antipolo on September 3, 2024.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 13 katao ang naitalang death toll sa pananalasa ng bagyong Enteng habang umabot naman sa 240,000 ang naapektuhan ng mga pagbaha sa mga nasalantang rehiyon partikular na sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes.

Ayon kay OCD Spokesman Edgar Posadas, walo sa mga nasawi ay mula sa lalawigan ng Rizal, tatlo sa Bicol Region at dalawa mula sa Central Visayas o Cebu.“Meron po sa CALABARZON particularly sa Rizal po, walo po ang kinukumpirma natin diyan, karamihan po ‘yung sa Antipolo (landslide),” ani Posadas.

Samantala sa Cebu, ang dalawang nasawi ay nabagsakan ng gumuhong pader habang sa Bicol ay tatlo rin ang nasawi sa pagkalunod sa Naga City, Camarines Sur kabilang ang isang sanggol na babae na kanilang kinukumpirma sa Regional Office.

Ayon kay Posadas, 10 katao naman ang nasugatan sa Cebu.

Sinabi ni Posadas na sa kabuuan ng mga rehiyong nasalanta ni Enteng ay nasa 62,959 pamilya o nasa 240,000 katao ang naapektuhan kung saan pinakamarami dito ay sa Region V na nasa 22,220 pamilya; Region III, 18,092  habang sa NCR ay 10,000 pamilya. Ang iba pang mga apektadong lugar ay ang Central at Eastern Visayas Region.

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with