^

Bansa

MTRCB walang magawa sa malalaswang palabas sa Vivamax

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
MTRCB walang magawa sa malalaswang palabas sa Vivamax
Ayon sa MTRCB, hindi nito sakop ang  social media, online streaming at user generated content platforms katulad ng Vivamax at Netflix dahil noong gawin ang batas na nagbuo sa MTRCB noong 1985  ay hindi pa uso ang internet.
STAR/File

MANILA, Philippines — Walang magawa ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga malalaswang palabas sa sikat na Vivamax, ayon kay MTRCB chair Lala Sotto.

Sa pagdinig ng panukalang budget ng ahensiya para sa susunod na taon, tinanong ni Finance subcommittee chairperson Jinggoy Estrada si Sotto kung anong hakbang ang ginagawa nito laban sa malalaswang palabas sa Vivamax.

Ayon sa MTRCB, hindi nito sakop ang  social media, online streaming at user generated content platforms katulad ng Vivamax at Netflix dahil noong gawin ang batas na nagbuo sa MTRCB noong 1985  ay hindi pa uso ang internet.

Sinabi ni Estrada na wala pa naman siyang napapanood na kahit isang pelikula ng Vivamax pero base aniya sa mga palaging nanonood dito ay “may pagkamalaswa.”

Sinabi rin ni Estrada na kahit na mga menor-de-edad ay puwedeng manood ng x-rated lalo na sa Vivamax.

Aminado naman si Sotto na dahil sa rami ng mga online curated platforms services ay hindi kakayanin ng MTRCB na i-regulate ito.

Samantala, inihayag ni Estrada na balak ni Sen. Robinhood Padilla na isulong ang pag-amiyenda sa batas na nagbuo ng MTRCB upang maisama ang mga digitan contents at live streaming flatforms.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with