^

Bansa

Bagyong Enteng lumakas pa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagyong Enteng lumakas pa
Residents wade through heavy flooding along Felix Avenue and inner roads at the boundary of Cainta, Rizal and Pasig due to intense rain brought by Tropical Storm #EntengPH and the enhanced habagat on September 2, 2024.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong Enteng habang nasa karagatan ng kanluran ng Ilocos Norte.

Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan ng PAGASA sa layong 100 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte at patuloy ang pagkilos sa bilis na 25 km bawat oras.

Ang lakas ng hangin ng bagyo ay umaabot naman sa 85 km bawat oras at may pagbugso hanggang 105 km bawat oras.

Si Enteng ay inaasahang lalakas pa at mararating ang severe tropical storm category sa susunod na 12 oras.

Bunsod nito, nakataas ang Signal number 2 ng bagyo sa western at northern portion ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, northern portion ng La Union, Apayao, Kalinga, Abra, western portion ng Mountain Province, northern portion ng Benguet at western section ng Cagayan kasama na ang Fuga at Dalupiri Islands.

Ngayong Miyerkoles ay maaabot pa ni Enteng ang typhoon category hanggang sa lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at maaabot pa nito ang peak intensity sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga sa labas ng bansa hanggang sa mag-landfall sa mainland China.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with