Janine, nanginig sa tuwa nang rumampa sa Venice Filmfest
“Today was a dream come true!!!!! #VeniceFilmFestival #Venezia81 @labiennale @phantosmiafilm,” caption ni Janine Gutierrez.
Tuwang-tuwa nga si Janine nang dumalo siya sa red carpet ng Venice Film Festival para sa premiere ng kanyang Lav Diaz-helmed movie na Phantosmia.
Suot ng actress ang low back, powder-blue gown na gawa ni Vanie Romoff nang rumampa sa Red Carpet ng Venice Filmfest.
Napanood ang pelikulang pinagbibidahan ni Janine na obra ni Lav Diaz, Phantosmia sa La Biennale di Venezia - Out-of-Competition section.
Nagkomento naman si Jericho Rosales na aminadong masayang-masaya ang puso dahil kay Janine ng “You look like a dream Congratulations to you and @phantosmiafilm!!!”
- Latest