^

Bansa

10 patay sa hagupit ni ‘Enteng’, habagat

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
10 patay sa hagupit ni �Enteng�, habagat
Kinordon ng local Disaster Risk Reduction and Management Office ang bahagi ng Daang Pari Road sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal kasunod ng landslide sa lugar dulot ng bagyong Enteng na pinalakas ng habagat, kahapon. Apat katao ang nasawi sa insidente kabilang ang 27-anyos na buntis.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sampu katao ang nasawi dahil sa mga pagbaha at landslide dulot ng pananalasa ni Tropical Storm Enteng na may kasamang habagat.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa Central Visayas ay dalawa ang namatay, 10 ang nasugatan, 14 pamilya o kabuuang 63 indibidwal sa tatlong Barangay ang naapektuhan.

Sa Antipolo City, Rizal, iniulat naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang pagkasawi sa landslide at pagkalunod ng anim katao.

Ayon kay CDRRMC Chief Relly Bernardo, dalawang bahay ang natabunan ng landslide sa Sitio Inapao, Brgy. San Jose na ikinasawi ng isang 12 at 15-anyos. Sa ikatlong landslide ay patay rin ang isang 27-anyos na buntis na ginang na kapitbahay ng dalawang tinedyer.

Naiulat naman sa Brgy. San Luis, Antipolo City ang pagkasawi sa pagkalunod ng isang 44-anyos na ginang at isang 4-anyos na bata.

Samantala sa Naga City, Camarines Sur ay nasawi naman sa pagkalunod ang dalawa katao kabilang ang isang sanggol na babae sa pagragasa ng flashflood dulot ng malalakas na pag-ulan.

Mahigit 300 pamilya o 210,000 katao naman ang inilikas at dinala sa mga evacuation center dahil sa hanggang dibdib at lagpas taong baha sa lugar.

Pansamantala namang nahinto ang operasyon ng mga pantalan sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Bicol Regions dulot ng masamang lagay ng panahon kung saan 739 pasahero, 282 rolling cargoes, 22 vessels at apat na bangkang de motor ang istranded.

Inalerto rin ng NDRRMC ang mga regional offices nito na imonitor ang bagyong Enteng at maghanda sa rescue o­peration sa mga komunidad habang pinag-iingat din sa flashflood at landslide. 

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with