^

Bansa

Paghuli sa temporary plates: LTO, tiklop kay Senator Tol

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Paghuli sa temporary plates: LTO, tiklop kay Senator Tol
Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino
Senate of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Tiklop ang Land Transportation Office (LTO) sa nauna nitong banta na huhulihin at pagmumultahin ang mga may-ari ng mga motorsiklo at sasakyang gumagamit ng temporary o improvised license plates mula ngayong buwan.

Ito’y matapos ulanin ang ahensya ng batikos mula sa publiko – sa pangunguna ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino. Sa isang pahayag, sinabi ng LTO na iuurong na nito ang nauna nitong itinakdang deadline mula Setyembre 1 tungo sa Disyembre 31.

“Tama lang na iatras ng LTO ang banta nito na manghuli ng mga ordinaryong rider at motorista dahil sablay ang lohika ng kanilang direktiba,” mariing pahayag ng senador.

“Hindi dapat isisi sa motoring public kung kulang ang suplay o atrasado ang pag-iisyu ng official license plates ng gobyerno, dahil ito’y pangunahing responsibilidad mismo ng LTO,” paliwanag pa niya.

Unang nanawagan si Tolentino sa LTO Region 7 (Central Visayas) para bawiin ang balak nitong hulihin at pagmultahin ang mga gumagamit ng temporary at improvised license plates mula ngayong buwan. Pero lumalabas na nakabase pala ang atas ng LTO Region 7 sa isang pambansang memorandum na inisyu ng LTO head office.

Ani Tolentino, ang ­pangunahing hamon sa LTO ngayon ay ang pag-resolba sa license plates backlog nito, na ayon sa mga ulat ay umaabot sa 9 milyon sa pinakahuling datos.

Si Tolentino na dating Chair ng MMDA, ang principal sponsor ng Senate Bill No. 2555, na naglalayong amyendahan ang mga kontrobersyal na probisyon ng ‘Doble Plaka’ Law (RA 11235) na nagdidiskrimina laban sa motorcycle owners at riders.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with