^

Bansa

VP Sara: Quiboloy, nasa ‘langit’ na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabiro ang naging sagot ni Vice President Sara Duterte sa tanong ng mga mamamahayag kung sa palagay niya ay nasaan na ang pinaghahanap na si Apollo Quiboloy, na lider at founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

“Ako, one guess kung nasaan si Pastor Quiboloy? Nasa ‘langit’,” nakangiti pang sagot ng bise presidente.

Iminuwestra pa nito ang kanyang kamay at saka tumingin sa langit nang sumagot sa katanungan.

Nitong Linggo ay nakiisa si Duterte sa mga miyembro ng KOJC nang ipagdiwang ng sekta ang kanilang ika-39 na anibersaryo.

Una na rin niyang kinondena ang ginawang pagpasok ng mga pulis sa KOJC Compound sa Davao City at sinabing ang nagaganap na standoff sa pagitan ng mga pulis at ng mga tagasunod ni Quiboloy ay isang krisis at disaster.

Matatandaang sinalakay ng may 2,000 pulis ang ompound noong ­Agosto 24 upang isilbi ang mga warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Courts (RTCs) ng Davao City at ng Pasig City dahil sa mga kinakaharap na mga kasong human trafficking, at child at sexual abuse laban sa pastor.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with