^

Bansa

Pinas bagsak sa global standard sa Science, Math

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pinas bagsak sa global standard sa Science, Math
The photo of the Commission on Audit's office in Quezon CIty.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Napag-iwanan ang Pilipinas sa ‘global standards’ sa Science at Math dahil ‘flat zero’ ang DepEd sa pagbili at distribusyon ng Science at Math equipment ­packages sa mga estudyante at zero rin sa distribusyon ng TechVoc equipment packages.

Ayon sa 2023 audit report ng Commission on Audit (COA), nabigo ang DepEd na makamtan ang key targets nito partikular na sa hiring ng mga guro, pagtatayo ng mga klasrum, distribusyon ng learning tools at equipment, pagbili ng textbooks, school-based feeding program sa buong taon ng pamumuno ni Vice Pres. Sara Duterte sa ahensya.

Sinisi ng mga state auditors ang hindi tamang paggamit, paggasta, kuwestiyonableng paglilipat ng pondo, paglabag sa proseso ng procurement at kawalan ng kakayahan na pasunurin ang mga suppliers na sumunod sa espesipikasyon ng deli­very targets.

Base sa COA report sa DepEd Performance Indicator, nasa 12,821 mga bagong klasrum lang ang naitayo o nasa 74% sa target na 16,557 sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund (BEFF).

Samantalang sa mga planong imprenta at delivery ng 8.7 milyong textbooks at instructional/learning materials para sa nakalipas na taon ay nasa 1.87 milyon lang ang naisakatuparan o 22%.

Sa procurement at distribusyon ng Information and Communication Technology (ICT) kabilang ang laptop para sa mga guro, smart TVs para sa mga klasrum, e-learning carts o ang ‘rolling libra­ries with laptops’ ay nasa 73,791 ang target pero aabot lamang sa 16,416, ayon pa sa COA.

Sa hiring ng mga guro, nagtakda ang DepEd ng 15,365 posisyon na dapat mapunan sa pagsisimula ng taon pero nasa 11,023 o 72% lamang ito.

Sa kabila ng sapat na pondo para sa School-Based Feeding Program (SBFP), dahil sa disorga­nisadong proseso ng procurement at pagkakaantala ng implementasyon ay nasa 5.33 milyong estudyante lamang ang nakinabang sa programa o 77% mula sa 6.94 ­milyong target.

vuukle comment

COA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with