^

Bansa

Amyenda sa discriminatory provisions ng ‘Doble Plaka’ Law, umuusad

Pilipino Star Ngayon
Amyenda sa discriminatory provisions ng �Doble Plaka� Law, umuusad
Senator Francis Tolentino.
STAR / Mong Pintol

MANILA, Philippines — “Tuloy ang pag-abante ng panukalang mag-aam­yenda sa ‘Doble Plaka’ Law!”

Ito ang siniguro ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino, matapos silang magkasundo ni 1-Rider Party-List Rep. Bonifacio Bosita para pagtulungang isulong ang kapakanan ng milyun-milyong motorcycle riders sa mga nalalabing sesyon ng 19th Congress.

Sa programang Usapang Tol, pinasalamatan ni Bosita ang senador sa pamumuno nito sa pagpasa ng Senate Bill No. (SBN) 2555 na mag-aamyenda sa Republic Act (RA) 11235, o Doble Plaka Law. Sa botong 22-0 ay ipinasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang SBN 2555, na inisponsor ni Tolentino, noong Hulyo 29.

Bilang tugon, pinasalamatan ni Tolentino si Bosita, at sinabing nakahanda syang tumulong para alisin ang mga ‘di makatwirang polisiya na nag-didiskrimina laban sa milyun-milyong motorcycle riders.

Ibinahagi rin ni Bosita na pumasa na sa committee level ang House counterpart ng SBN 2555, at nakatakda na rin itong ikalendaryo sa plenaryo.

Nauna rito ay pinuna ng senador ang plano ng Land Transportation Office (LTO) Region 7 na hulihin ang mga motorsiklong gumagamit ng improvised licensed plates magmula Setyembre 1. Hindi umano maintindihan ni Tolentino ang lohika ng direktiba ng ahensya, gayung ‘di pa naman nito nareresolba ang milyong backlogs nito sa pag-iisyu ng mga opisyal na plaka.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with