^

Bansa

Alice Guo, Cassandra Ong ­kinasuhan ng money laundering

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Alice Guo, Cassandra Ong ­kinasuhan ng money laundering
The Anti-Money Laundering Council, together with the Presidential Anti-Organized Crime Commission and the National Bureau of Investigation, filed a money laundering complaint against former Bamban, Tarlac mayor Alice Guo and others, and held a press conference at the Department of Justice on August 30, 2024
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pormal nang sinampahan ng money laundering charges ng ilang ahensiya ng pamahalaan si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at 34 na iba pang indibidwal.

Ang kaso ay inihain ng National Bureau of Investigation (NBI), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Department of Justice (DOJ), kahapon ng hapon.

Bukod kay Guo, kinasuhan rin si Cassandra Li Ong, at iba pang incorporators ng ilang POGO firms, na kinabibilangan ng Hongsheng Gaming Technology, Baofu Land Development Inc at Zun Yuan Technology Inc., na sinasabing lumahok sa paglilipat ng pondo mula sa ilang fraudulent sources.

Sakop ng imbestigasyon ang bilyun-bilyong pisong halaga ng transaksiyon sa bank accounts ni Guo at assets mula 2019 hanggang 2024.

Kasama rin ang bank accounts at ari-arian, POGO companies at kanilang bank accounts, at mga umano’y shell companies na sangkot sa kanila.

Ayon sa NBI, isinampa nila ang kaso matapos na makakita ng link sa pagitan ng bank accounts ni Guo at shell companies na umano’y nagbabayad ng utilities at kuryente ng mga POGO buildings.

Isinagawa umano ang mga transaksiyon matapos umanong mag-divest si Guo mula sa POGO company.

Si Guo ay una nang inakusahan ng pagiging Chinese citizen at siyang nagpapasilidad ng POGO o­perations sa Bamban, Tarlac.

Pinaniniwalaang nakalabas na ng bansa si Guo at kasalukuyang nasa Indonesia.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with