^

Bansa

BSP tinapos na kontrata sa supplier ng National ID

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
BSP tinapos na kontrata sa supplier ng National ID
Ayon sa PSA, tiwala ito sa pasya ng BSP at ngayon ay gumagawa na ng mga kinakailangang hakbang para sa patuloy na distribusyon ng National IDs.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Nirerespeto ng pamunuan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tapusin na ang kontrata ng ahensiya sa kanilang supplier para sa produksyon ng National ID card.

Ayon sa PSA, tiwala ito sa pasya ng BSP at ngayon ay gumagawa na ng mga kinakailangang hakbang para sa patuloy na distribusyon ng National IDs.

Bukod dito, inihayag ng PSA na iba’t ibang format na ng National ID ang magagamit para sa mga rehistradong indibidwal, tulad ng ePhilID, at ang bagong inilunsad na Digital National ID na maaaring i-download sa https://national-id.gov.ph.

Tiniyak ng PSA na patuloy nitong tututukan ang paghahatid ng maaasahan at ligtas na sistema ng National ID.

vuukle comment

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with