^

Bansa

SC: Matagal na pagkawala ng asawa basehan para ipawalambisa kasal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SC: Matagal na pagkawala ng asawa basehan para ipawalambisa kasal
Stock image of a couple.
Image by Tumisu from Pixabay

MANILA, Philippines — Ipinawalang-bisa ng Korte Suprema ang kasal ng isang ginang sa kanyang asawa matapos na ilang dekada na itong hindi umuwi ng kanilang marital home sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, na maituturing umano bilang ‘psychological incapacity.’

Sa desisyon ng Supreme Court (SC) Second Division, na ipinonente ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, ipinawalang bisa ang kasal ng mag-asawang Leonora at Alfredo, gamit ang basehang psychological incapacity ng mister.

Sila ay ikinasal noong Hunyo, 1984, ngunit nagbago si Alfredo at hindi na umuwi ng bahay na nagkaroon pa ng extra martial affair. Naghiwalay sila ni Leonora noong 1994 at nagpakasal si Alfredo sa ilang babae.

Dahil dito, naghain ng petisyon si Leonora para mapawalang bisa ang kanilang kasal ngunit ibinasura ng Regional Trial Court (RTC) dahil sa umano’y kakulangan ng ebidensiya.

Iniakyat ng ginang ang usapin sa Court of Appeals (CA) ngunit ibinasura rin ang petisyon. Dito na dumulog si Leonora sa SC.

Ayon sa SC, wala ng bisa ang kasal ng mag-asawa dahil ang hindi na pag-uwi ni Alfredo sa kanilang bahay sa matagal nang panahon ay nagpapakita ng psychological incapacity bunsod ng kabiguang gampanan ang kanyang marital duties.

Sa ilalim ng Article 68 ng Family Code, ang mag-asawa ay obligadong manirahang magkasama, magkaroon ng mutual love, respect, at fidelity sa isa’t isa, gayundin ay magtulu­ngan at magsuportahan.

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with