^

Bansa

Mga butas sa bubong at kisame, pinagmumulan ng sakit – experts

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kahit anong panahon, hindi pa huli ang lahat para tapalan ang mga butas ng bubong ng bahay gamit ang mga de-kalidad na elastomeric sealant.

Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang mga butas sa bubong at kisame ay nauuwi sa pagkabulok at pagkaamag na maaaring magdulot ng sakit sa mga miyembro ng pamilya, lalo na sa mga bata.

“Hindi agad nakikita ang mga sources of leaks on roofs and ceilings kaya dapat na thorough talaga ang pag-inspection. We advise homeowners to do these inspections as weather permits for the safety of roofing experts and DIYers,” anang Bostik, nangungunang elastomeric sealant manufacturer sa bansa.

Pinayuhan din ng Bostik ang mga may-ari ng bahay na magpatulong sa mga propesyonal sa pag-inspeksiyon at pagkukumpuni ng kani-kanilang bahay para masiguradong pulido ang trabaho.

Nanawagan din ito sa publiko na i-double check ang mga nabibiling elastomeric sealant sa mga tindahan at hardware para makatiyak na orihinal ang mga ito, gawa na rin na may mga tinderong nagbebenta ng mga pekeng produkto.

Matagal nang tinutugis ng Bostik, katuwang ang National Bureau of Investigation, ang mga indibidwal at grupo na nagbebenta ng mga counterfeit product gamit ang sikat na brand name ng manufacturer. May mga naisampa nang kaso laban sa mga katulad na indibidwal at grupo.

ROOF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with