^

Bansa

Planong paghuli ng LTO sa temporary plates, binira

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Tantanan n’yo na ang motorcycle riders! Hindi nila kasalanan kung kinukulang tayo sa license plates, dahil responsibilidad ito ng gobyerno.”

Ito ang mariing ipinahayag ni Majority Leader Senator Francis ‘Tol’ Tolentino sa kanyang pagtutol sa plano ng Land Transportation Office (LTO) Region 7 na hulihin ang lahat ng motorcycle riders na guma­gamit ng improvised or temporary license plates mula Setyembre 1.

Kinuwestyon ni Tolentino ang direktiba, lalo’t umabot aniya sa mahigit 12 milyon ang ‘backlog’ ng LTO sa pag-iisyu ng official license plates.

Susulatan ng senador si DoTr Secretary Jaime Bautista para hilingin na rebyuhin ang kawastuan ng direktiba ng LTO Region 7 (Central Visayas).

Hihimukin din nIya ang DoTr na huwag munang maglabas ng katulad na direktiba, kasunod ng pagkakapasa ng Senate Bill No. 2555, na mag-aalis sa ‘double plate requirement’ para sa mga motorsiklo sa ilalim ng Republic Act 11235 - o mas kilala sa tawag na ‘Doble Plaka Law.’

Si Tolentino ang principal sponsor ng SBN 2555.

Dagdag ng senador, ang LTO mismo ang uma­min sa isang pagdinig sa Senado na hindi pa nito mareresolba ang kakulangan sa plaka hanggang taong 2025. Iniulat din ng ahensya na umabot sa 12,548,909 ang backlog sa pag-iisyu ng mga plaka noong Pebrero 15, 2024.

LICENSE PLATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with