^

Bansa

Sheila Guo kulong na sa Senado, Cassandra Ong hawak na ng Kamara

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sheila Guo kulong na sa Senado, Cassandra Ong hawak na ng Kamara
Sheila Guo, sister of dismissed Bamban mayor Alice Guo, arrives at the Senate detention facility after the National Bureau of Investigation (NBI) transferred custody to the Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) on August 26, 2024.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Senado si Sheila Guo, kapatid nang nadismis na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Naka hand-cuffed ang mga kamay ni Sheila nang duma­ting sa Senado dakong alas-12:49 ng tanghali kasama ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI).

Agad itong isinailalim sa medical checkup sa mismong detention facility ng Senado.

Ayon kay Senate Sergeant sa Arms Roberto Ancan, maaaring dalawin si Sheila ng kanyang legal counsel.

Tiniyak ni Ancan na magiging ligtas si Sheila sa loob ng Senado. Walang cellphone si Sheila at maaaring gamitin ang telepono ng Senado para makipag-ugnayan sa kanyang legal counsel.

Ibabalik si Sheila sa Senate detention facility pagkatapos ng pagdinig ngayon.

Nakasalalay na rin aniya sa komite kung gaano katagal mananatili si Sheila sa Senado.

Samantala, ibinigay na ng NBI sa Kamara ang kustodiya kay Cassandra Li Ong matapos ang inilabas na Legislative Warrant of Arrest at Contempt Order ng Quad Committee laban kay Ong.

Matatandaan na nahuli sa Singapore sina Sheila at Ong, kinatawan ng Lucky South 99 Outsourcing Inc. at Corporate Secretary ng Whirlwind Corporation, POGO.

Bilang umano’y business partner ni Alice Guo, naniniwala ang Quad Committee na maituturo ni Ong ang mga dapat managot sa operasyon ng POGO Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with