^

Bansa

Secretary Rex kay VP Sara: Mga bata dapat proteksyunan ‘di mga nang-aabuso

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naninindigan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat lang na pagkalooban ng proteksiyon ang mga bata laban sa mga pang-aabusong pisikal at sekswual.

Hindi mananahimik ang ahensiya sa gitna ng mga seryosong akusasyon laban kay Apollo Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kaso ng human trafficking, sexual exploitation at pang-aabuso sa mga menor-de-edad lalu na’t hindi kayang proteksiyunan ng mga bata ang kanilang sarili.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, palagi ng sinasabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. na labis siyang naaapektuhan sa kinakaharap na pagdurusa ng mga inosente at paulit-ulit ding binabanggit na wala ng iba pang mas masakit kundi makita ang mga batang dumaranas ng pagdurusa, pasakit at walang nakikitang pag-asa sa buhay na kanila ring nadarama upang bigyang pansin ng ahensiya ang mga ganitong uri ng sitwasyon.

Sa paniwala ng DSWD, nakadaragdag pa ng sakit ng damdamin kung ang isang kilalang pulitiko  tulad ni Vice President Sara Duterte, na dapat sana’y maging kampeon sa paghahanap ng katarungan sa mga batang inaabuso at magtanggol sa mga mahihina ang siya pang nagsisilbing nagtatanggol at pumapanig sa mga inaakusahan ng nakakagimbal na krimen. Sabi ng DSWD, hindi raw dapat kalimutan na sa ganitong pagkakataon, ang mga bata, magulang at kanilang pamilya ang tunay na nagdurusa sa kanilang kinakaharap na sitwasyon.

Dahil dito, naninindigan ang DSWD sa kapakanan ng mga biktima at nangakong matiyak na maibibigay ang wastong katarungan  sa mga naaapi, at marinig ang kanilang tinig.

Nanawagan din ang ahensiya sa bise president at sa iba pang mga lider na makiisa sa pagkakaloob ng proteksiyon sa bawa’t batang Filipino at suportahan ang proseso ng katarungan na kasalukuyang umiiral upang maihatid sa hukuman ang may kagagawan.

Nais din ng DSWD na lahat ng mga namununo at mamamayan ay sumuporta sa legal na proseso sa paghahanap ng hustisya ng mga inosenteng biktima at maparusahan kung sino ang may sala.

Naninindigan ang ahensiya sa pangako ng Pangulong Marcos, Jr. na lumikha ng magandang kinabukasan para sa mga batang mamamayang Filipino at walang maiiwang mag-isa na magdurusa.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with