^

Bansa

1 patay sa raid ng mga pulis sa KOJC compound

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1 patay sa raid ng mga pulis sa KOJC compound
Libu-libong pulis ang idineploy kahapon sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City para isilbi ang warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy.

Ihahain warrants vs Quiboloy

MANILA, Philippines — Isang tagasuporta ng kontrobersyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang nasawi matapos atakihin sa puso nang salakayin ng mga awtoridad ang compound ng nasabing sekta ng relihiyon sa Davao City, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni Police Regional Office (PRO) 11 Director Brig. Gen. Nicolas Torre III, dakong alas-5:27 ng umaga nang magsagawa ng raid ang kaniyang mga tauhan sa KOJC compound sa Buhangin District ng lungsod.

Ang nasawing miyembro ng KOJC ay isang 50-anyos na lalaki na inatake umano sa puso ng isagawa ng mga operatiba ng pulisya ang raid.

Nasa 2,000 pulis naman ang lumusob sa nasabing compound kabilang ang PNP Civil Disturbance Management Unit upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Quiboloy.

Si Quiboloy ay may warrant of arrest sa kasong human trafficking at sex trafficking at may ilang buwan na ring pinaghahanap ng mga awtoridad. Samantala dahil sa rami ng mga lumusob na pulis ay nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga tagasunod ni Quiboloy at ng raiding team.

Nabatid na ang large scale operation ay upang halughugin ang nasabing compound na may 42 gusali kung saan una nang sinabi ni Torre na naniniwala siyang hindi pa nakakaalis ng bansa si Quiboloy.

Si Quiboloy ay may standing warrant of arrest mual sa Davao City at Pasig City kaugnay ng kasong human trafficking, sexual abuse sa mga menor-de-edad at kababaihan gayundin ng pangmamaltrato.

Bukod dito ay wanted rin ang pastor sa US Federal Bureau of Investigation sa kasong sex abuse at human trafficking.

Magugunita na una nang nagsagawa ng raid ang mga awtoridad upang arestuhin si Quiboloy pero nabigo ang mga ito noong Hunyo 10, 2024. Bukod dito ay kinuwestiyon din ang raid ng NBI Region 11 dahilan moro-moro umano ito o drama lamang.

vuukle comment

LAW

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with