^

Bansa

Recruiter ng mga Pinoy na nasagip sa Laos, kakasuhan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hahabulin ng pamahalaan ang mga recruiter ng nasagip na Filipino nationals sa isang cyber scam crackdown, sa tinaguriang Golden Triangle Special Economic Zone (GTSEZ) sa Laos.

Ito ang tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa Saturday News Forum sa Quezon City.

Kukunan mga pahayag ang mga Pilipino, na pawang biktima ng illegal recruitment at human trafficking, sa oras na makauwi na ng bansa para sa maisulong ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga recruiter nito.

“We will work with the DOJ (Department of Justice) in terms of filing the necessary charges. We will get the statements of the victims to pinpoint who recruited them here in the Philippines and file the necessary charges,” ani Cacdac.

Hindi bababa sa 129 Pinoy ang nagpasaklolo sa gobyerno kasunod ng crackdown sa mga iligal na kumpanya sa GTSEZ, sa Bokeo Province, Lao PDR.

Pito na ang nakauwi sa Pilipinas habang 75 pa ang pinoproseso para sa repatriation.

Mahigit sa 700 dayuhang mamamayan ang inaresto noong Agosto 12 sa GTSEZ, na naugnay sa mga ipinagbabawal na aktibidad, kabilang ang mga di-umano’y online na operasyon ng scam at trafficking ng mga dayuhan.

Sa forum, sinabi ni Cacdac na makakatanggap ng tulong ang mga Pilipinong biktima ng human trafficking, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nagbabala rin si Cacdac sa publiko na huwag maniwala sa ‘di lisensyadong recruiter at sa halip ay dapat na mayroon kontrata at daraan sa DMW para sa clearance, upang hindi mabiktima.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with