^

Bansa

Sheila Guo may Chinese passport, ipade-deport ng BI

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sheila Guo may Chinese passport, ipade-deport ng BI
Humarap sa isang press conference sina NBI Director Jaime Santiago at Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco kaugnay sa pag- kakaaresto nina Sheila Guo at Cassandra Li Ong, na nasa kustodiya ngayon ng NBI.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipade-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na si Sheila Guo, matapos na matuklasang mayroon rin itong Chinese passport habang posible umanong nasa Indonesia pa si Alice.

Sa inilabas na mugshot ng BI, pinangalanan nito si Sheila Guo, sa kanyang Chinese name na ‘Zhang Mier.’

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, natuklasan nila na si Sheila ay mayroon ring Chinese passport, bukod sa kanyang Philippine passport.

Balido aniya ang Chinese passport ni Sheila hanggang 2031.

Ipade-deport umano nila si Sheila dahil sa misrepresentation at pagiging undesirable alien.

Naniniwala rin ang BI na si Sheila ay banta sa public safety, public interest at national security.

Kaugnay nito, napag-alaman umanong posibleng gumamit din sina Guo ng ‘backdoor’ para makalabas ng bansa matapos makitaan ng entry sa Sabah.

Si Sheila, kasama si Cassandra Li Ong, ay ibinalik na sa bansa kamakalawa matapos maaresto sa Indonesia. Hindi nila kasama si Alice Guo nang sila ay arestuhin.

“With regards to the movement of Alice Guo, ang huli nating alam, nandoon pa siya sa Indonesia, still no attempts na umalis ng bansang iyon,” ani Sandoval.

Sina Sheila at Ong ay dumating sa NAIA Terminal 1 dakong alas-5 ng hapon mula sa Jakarta, kasama ang mga operatiba ng Intelligence Division (ID) at Fugitive Search Unit (FSU) ng BI.

Samantala, isinailalim na ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force division sa inquest proceedings sina Guo at Ong. Kasong paglabag sa Obstruction of Justice at Harboring of fugitive ang isinampa laban sa dalawa.

Kahit ‘bailable’ ang kaso ng mga ito ay mananatili sila sa kustodiya ng NBI dahil may pending na warrant of arrest ang Senado at Kamara laban sa dalawa.

vuukle comment

BI

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with