^

Bansa

Pangulong Marcos pinakilos mga ahensiya vs Mpox

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pinakilos mga ahensiya vs Mpox
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on July 20, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ahensya na ipagpatuloy ang pagsubaybay sa mga lugar at mga taong pinaka- vulnerable sa Mpox.

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa pakikipagpulong sa Pangulo na karamihan sa mga mahina sa Mpox ay mga taong immunocompromised.

Nakapagtala ang DOH ng 10 kaso ng Mpox mula noong 2023. Lahat ng mga pasyente ay gumaling.

Sinabi rin ni Herbosa na walang pampublikong emergency tungkol sa Mpox dahil binanggit niya ang mababang bilang ng mga kaso at ang rate ng pagkamatay ng sakit. Nabanggit din niya na ang sakit ay hindi dala ng hangin.

Hindi tulad ng ­COVID-19 na airborne, ang Mpox ay maaari lamang maipasa sa pamamagitan ng intimate o balat sa balat na pisikal na pakikipag-ugnayan sa isang taong nahawaan o may kontaminadong materyales.

Ang Mpox o monkey pox ay isang viral disease na sanhi ng monkeypox virus, ayon sa World Health Organization.

vuukle comment

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with