^

Bansa

Gerald Santos inaming na-rape

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gerald Santos inaming na-rape
Ayon kay Santos, 15 taong gulang pa lang siya nang maganap ang krimen kung saan naging contestant siya sa isang singing competition sa GMA 7.
Senate of the Philippines Facebook page

MANILA, Philippines — Inamin sa Senado ng singer na si Gerald Santos na siya ay na-rape ng kanyang ka-trabahong musical director noong 2005.

Ayon kay Santos, 15 taong gulang pa lang siya nang maganap ang krimen kung saan naging contestant siya sa isang singing competition sa GMA 7.

Sinabi ni Santos na sinubukan niyang magreklamo sa GMA Artist Center pero hindi naman inaksiyunan ang kanyang reklamo. Sinabihan pa umano siya na mag-move on na lang sa nangyari dahil kalakaran na umano yun.

Sinabi pa ni Santos na matinding kahihiyan ang kanyang sinapit kaya hindi kaagad siya nakapagsampa ng reklamo.

Nagalit ang kanyang mga magulang dahil sa nangyari at namatay sa sama ng loob ang kanyang lolo.

Sinabi ni Estrada na inaksiyunan naman ng GMA 7 ang kanyang reklamo dahil tinanggal ang nasabing musical director.

“Nabalitaan ko lang wala na siya sa GMA but since wala kaming na-receive na official letter of resolution, kasi nababalitaan namin na nakakapag-musical director pa siya sa shows and concerts,” ayon kay Santos na humingi ng tulong kina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla para mabigyan ng hustisya ang kanyang sinapit halos 19 taon na ang nakakaraan.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with