Aboitiz Power, Bato Toledo City LGU sanib-puwersa sa healthcare services
MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang Aboitiz Power subsidiary Therma Visayas, Inc. (TVI) at local government unit para palakasin pa ang pagbibigay ng healthcare services sa Brgy, Bato, Toledo City, Cebu.
Ayon kay Janeth Cereno, dating public school teacher at ngayon ay barangay councilor, nasa 11,000 residente ang naninirahan sa Brgy. Bato.
Taong 2021 nang umpisahan ni Cereno ang Hypertensive and Diabetic Club para itaguyod ang mas malusog na komunidad.
“Nag focus ko sa health sa akong mga kabaranggay since ako mismo bilang tigulang na, prone ko sa mga masakit ug para mangin aware sila sa dapat buhaton ug itabang sa usa ka usa,” pahayag ni Cereno.
Pinalakas ang TVI revitalized community health sa pamamagitan ng paglulunsad ng Project MATCH (Magnifying Accessibility to Community Health).
Nagsasagawa rin ang TVI ng taunang medical missions at quarterly medical, dental, at optical missions sa mga liblib na lugar.
Ang Therma Visayas Inc. ang nag-o-operate sa ISO-certified 340-megawatt baseload power plant sa Barangay Bato sa Toledo City upang matiyak ang pangangailangan sa enerhiya at pagpapatakbo ng pag-usbong ng ekonomiya ng Cebu.
- Latest