^

Bansa

40 lugar apektado ng vog ng Taal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 40 lugar ang apektado ng Volcanic Smog (vog) ng Taal volcano na nakaapekto sa mga kalapit nitong lugar.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Taal na nasa alert level 1 ay naglalabas ng 3,355 toneladang sulfur dioxide simula pa Agosto 15.

Bunga ng insidente, nakatanggap ng ulat ang NDRRMC na kinansela na ang face-to-face classes sa 40 lugar kabilang ang 25 sa lalawigan ng Batangas, 10 sa Cavite at 5 sa Laguna.

Sa Batangas, apektado ang mga bayan ng Laurel, Tuy, San Luis, Balayan, Lemery, Talisay, Agoncillo, San Nicolas, Sta Teresita, Malvar, San Pascual, Balete; mga lungsod ng Calaca City, Batangas City, Tanauan City, Lipa City at Sto. Tomas.

Sa Laguna ay mga lungsod ng Calamba, Cabuyao, San Pedro, San Pablo at Sta Rosa City.

Samantala sa Cavite ay lungsod ng Tagaytay, Alfonso, Magallanes, Silang, Amadeo, Dasmariñas.

Pinapayuhan ang lahat na limitahan ang exposure sa vog at magsuot ng N95 face mask para sa kanilang proteksiyon.

vuukle comment

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with