^

Bansa

Pagpapadala ng OJT sa ibang bansa, ipagbawal – Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at mga kasamahan na ipagbawal na sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad ang opsyon sa pagpapadala ng mga estudyante sa ibang bansa o malalayong lugar para sa internship o on-the-job (OJB) training program ng kanilang mga kurso bilang requirement para maka-graduate.

Isang panukalang batas ang ihahain nina Tulfo, Cong. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS,  Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Cong. Ralph Tulfo para maiwasan ang malaking gastusin ng magulang ng mga estudyante lalo na iyong galing sa mahihirap na pamilya.

Ayon kay Cong. Tulfo, marami na siyang naririnig na mga magulang nagsasanla ng kanilang mga ari-arian mapadala lang ang anak nila sa abroad o malayong lugar para ma-fulfill daw yung internship o OJT requirement ng course.

“Yung iba nangungutang kung saan-saan para lang masunod  ang sinasabing requirement ng course”, ayon pa kay Tulfo na deputy majority leader din ng kongreso.

Voluntary naman ang pagpunta sa abroad o malayong lugar para sa internship pero kadalasan ang mga bata ang nagsasabi sa magulang lalo na ‘yung mga nasa probinsya na para bang requirement na mag-OJT sa ibang lugar, paliwanag ni Tulfo.

Pero paglilinaw ng mambabatas, dapat alisin na ng mga school ang opsyon na mag-OJT ang bata sa abroad o malalayong lugar lalo pa’t kung ito ay isang state college o university.

“Nasa estudyante ‘yun at hindi sa school o kung saan sya nag-intern makikita ang galing ng bata”, dagdag pa ni Tulfo.

vuukle comment

ACT-CIS

ERWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with