^

Bansa

Kamara ipauubaya sa DOJ kung gagawing state witness si Guban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipauubaya na ng Kamara kung gagawing state witness si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban sa kaso ng drug smuggling ng P11 bilyong shabu noong 2018 na nagdadawit kina Davao City Rep. Paolo Duterte, mister ni Vice Pres. Sara Duterte na si Atty. Mans Carpio at dating Presidential Economic Affairs Adviser Michael Yang.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, pinuno ng House Committee on Dangerous Drugs, bahala na ang DOJ na timbangin ang mga pahayag ni Guban kung tatanggapin itong state witness sa kaniyang matapang na pagharap at pagbubunyag sa komite.

Si Gumban ay nakasuot ng bullet proof at ineskortan ng mga tauhan ng Bureau of Corrections sa pagharap nito sa Quad Comm.

“Ang nire-request yata niya is maging state witness, meaning, he will avail himself of the WPP, ‘yong Witness Protection Program. And, if he is eligible, of course, DOJ na ang magde-decide, no. ‘Pag eligible siya, he will be given that opportunity,” saad ni Barbers.

Si Barbers ay isa sa Chairman ng binuong Quad Comm upang siyasatin mabuti ang kaugnayan ng kaso ng drug trafficking, Extra Judicial Killings (EJK) at ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Matapos ang expose ni Guban sa mega panel ay hiniling ng huli sa Quad-Comm na ilipat siya ng detention center sa Kamara kung saan ay inaalam na nila ang usaping legal ukol dito dahil ang mga Person Deprieved of Liberties (PDL) ay nasa hurisdikyon ng BUCOR.

Ibinunyag din ni Guban sa komite na marami uma­nong mga container vans ang pinalusot sa BOC na nadeklara pang mga nawawala.

‘Yung testimony ni Mr. Guban kung saan pinapayagang makalusot konte-container ng mga droga, aba mabigat ‘yun, Well there’s a revelation na may drugs that were in the magnetic lifter that was a subject of the inves­tigation, sa investigation sa Senate at House noong 2018, eh meron palang nagpapalusot. ‘Yong significance noon ay ‘yong mga taong sa likod na nagpapalusot,” sabi pa ni Barbers.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with